Ibulong Sa Hangin
Sarah Geronimo

halata ba sa ‘king mga mata
na ako’y may nais ipadama
ngunit ako’y nangangamba
baka may masaktang iba

halata ba sa kilos ko’t galaw
puso ko’y may nais isigaw
ngunit ‘di mabigkas ng labi
nag-aalangan kung tama o mali

[chorus]
ano bang dapat kong gawin
sa magulong isip at damdamin
di ko yata kayang sabihin
wala na ‘kong magagawa kung di
ibulong sa hangin

halata ko sa ‘yong mga mata
na mayroon kang nais ipabatid
sana’y hanggang dito na lamang
pagkat ayaw ko ring masaktan

[chorus]

sa hangin kita
hahagkan at yayakapin
wag kang mag-alala
di to malalaman ng iba

[chorus]

…wala na kong magagawa kung di
ibulong sa hangin
ooh…