Maniwala Ka Sana
Parokya ni Edgar

Nu’ng una kitang nakilala, di man lang kita napuna
‘di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
Simpleng kabatak simpleng kabarkada lamang
ang tingin ko sa yo
‘di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito

[Refrain 1]
Ako’y napaisip at biglang napatingin
di ko malaman kung ano’ng dapat gawin

[Stanza 2]
Dahan-dahan nag-iba ang pagtingin ko sa yo
gumanda ka bigla at ang mga kilos mo nakakapanibago
napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso
Bad trip talaga na-iinlab ako sa ‘yo

[Refrain 2]
Tuwing kita’y nakikita, ako ay napapangiti
para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi

[Chorus]
Minamahal kita, ba’t di ka maniwala
anong kailangan kong gawin, Upang seryosohin mo
ang aking sinasabi, tungkol sa pag-ibig ko sa yo
maniwala ka sana, minamahal kita, aaahhhh

[Ad lib]

[Stanza 3]
Nasira na yata ang ulo ko kakaisip ko sa yo
kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko
pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan
ako’y nahihirapan, uyy, wala namang ganyanan

[Refrain 3]
Pakiramdam ko ngayon ako ay namumukhang gago
ngayon ako’y nagsisi kung bakit ako nag I love you

Kasi di na tayo tulad nang dati
ngayon sa akin ay diring-diri

[Repeat Chorus]
[Repeat Chorus except last word]

….kita, aaahhhh.