Tagalog OPM Lyrics

Tagalog OPM Lyrics

Filipino Christmas Songs

Archive for the 'Regine Velasquez' Category Grouped Archives

Marimar, ako po si Marimar
Lumaki sa tabingdagat
Sa lolo’t lola namulat
Hindi natinag sa pangaral
Busog sa pagmamahal

Marimar, ako si Marimar
Simple man at mahirap
Meron ding mga pangarap
Hangad sa pagdarasal
Tunay na pagmamahal

Marimar, Marimar
Pag tumibok ang puso
Pag-ibig ay asahan mo
Marimar, Marimar
Pag tumibok ang puso
Dakilang pagsuyo

Marimar

Ang pangarap koy nagmula sa’yo
sa’yong ganda ang puso’y di makalimot
tuwing kapiling ka tanging nadarama
ang pagsilip ng bituin sa’yong mga mata
ang saya nitong pagibig
sana ay di na mag-iiba

Ang pangarap ko ang ‘yong binubuhay
ngayon nagmamahal na sa’kin na tunay
at ang tinig mo’y parang musika
nagpapaligaya sa munting nagwawala
ang sarap nitong pag-ibig
lalo pa noong sinabi mo

[chorus]
Dadalhin kita sa’king palasyo
dadalhin hanggang langit ay manibago
ang lahat ng ito’y pinangako mo
dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Nang mawalay ka sa aking pagsinta
bawat saglit gabing lamig ang himig ko
hanap ang yakap mo haplos ng ‘yong puso
parang walang ligtas kundi ang lumuha
ang hapdi din nitong pag-ibig
umasa pa sa sinabi mong

[chorus]
Dadalhin kita sa’king palasyo
dadalhin hanggang langit ay manibago
ang lahat ng ito’y pinangako mo
dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Umiiyak, umiiyak ang puso ko
ala-ala pa ang sinabi mo
noong nadarama pa ang pag-ibig ko

[chorus]
Dadalhin kita sa’king palasyo
dadalhin hanggang langit ay manibago
ang lahat ng ito’y pinangako mo
dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Ang lahat ng ito’y pinangako mo
dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Category Archives Other categories

Pages

Categories